March 13th, 2007
Goodbye, Pressure
Yey! Final Exams is oveeeeeeeeeeer ya, hear? Mwahahahaha.. I still have a removal exam though. Chicken feet na yun. Malamang hindi na ko ibabagsak nun. Hahahaha..
I'VE BEEN BUSY THIS PAST FEW WEEKS. Plus, my monitor was totally screwed. Buti na lang, nahiram ko yung sa kapatid ko. Hehehe..
Ayon.
One month na ko sa Appletree. Hehehehe.. Dun ako OJT ngayon. Ayus naman.. Masaya! Korean invasion sa building. Pati yung tatlong boss ko korean. Pero mabait. I don't have to wear business attire.. I can wear whatever I want. Woohoo.. Tapos yun. Natuturuan ako dun about graphics design. Met new people. And I hope they would become my friends. Pansin ko lang agad na mejo may hidwaan sa loob ng opisina. Pero kinikilala ko lahat. Ayoko may kampi-kampihan.
Anu pa ba..
Sa school, ayun. Tapos na exams. May defense ako this week. Pero kaya na yan. Wala pa kong nagagawang website. Muhahahahah.. Start na din kanina ng practice ng graduation. Ngayon na nag sisink-in na matatapos na ko sa kolehiyo. Nakakalungkot na masaya. Pagkatpos nito, mamumulat na ko sa totoong mundo. Kung pwede lang mag-aral ako ng mag-aral, gagawin ko. Gusto ko matutunan at malaman ang mga iba't ibang bagay. Hay.. Medyo iwas din ako sa mga kalokohan ng mga kaklase ko. Hehehe..
Nung March 1 pala, pinaiyak ako ni Rix.. sa tuwa. Hehehe.. 6 months na kami. Weeee! Sinundo niya ko sa office, tapos hinatid sa bahay tapos uwi na siya. Medyo naasar pa ko kasi ang tagal ko naghintay sa kanya tapos hindi man lang kami nagsama ng mejo matagal. Pero ok lang kasi alam ko naman may gagawin siya.. Eto pa! Pag akyat ko sa kwarto, may bouquet ng carnation na flowers sa kama ko. Huwaaaa! Nagulat ako! Hihihihi.. ANG SWEET. Hay.. I love love love Rix. 
Dami pa din nangyayaring di maganda. Madami pa ding nararamdaman na di tama. Pero kaya naman. Alam ko anjan mga kaibigan ko, pamilya ko at si Rix para sakin.
Salamat sa pag iintindi sa ka-abnormalan ko. halabshu all.